Mga Community Resource Centers
Magbubukas kami ng drop-in na mga Community Resorce Center sa araw sa mga county na apektado ng PSPS. Tingnan ang video ng Community Resource Center.
- Naglalaan ang lahat ng center ng mga paliguan at hugasan ng kamay na ADA-accessible, pang-charge ng kagamitang medikal at device, Wi-Fi, mga nakaboteng tubig at meryenda.
- Ang mga indoor center ay nag-aalok din ng air-conditioning o heating, mauupuan at yelo.
- Walang pag-charge ng de-kuryenteng sasakyan sa mga center. Humanap ng istasyon na may pag-charge para sa de-kuryenteng sasakyan.
- Kung kailangan ninyo ng kuryente kapag nakasara ang mga CRC, tingnan ang mapa upang makita kung aling mga lugar ang may kuryente.
- Matuto pa tungkol sa suporta at mga serbisyo.
Kailangan ba ninyo ng kuryente para mapagana ang mga aparatong medikal na kailangan sa pagsustini ng buhay? Puwedeng makakuha ng karagdagang pansuporta sa lugar ninyo kapag may PSPS. Makipag-ugnayan sa inyong lokal na Independent Living Center (Sentro ng Pamumuhay na Nakapagsasarili).
Humanap ng mga kalahok na Independent Living Centers (ILCs) (Sentro ng Pamumuhay na Nakapagsasarili).
Ang PG&E ay kasosyo na ngayon sa mga organisasyong makakapagbigay ng accessible na transportasyon sa mga indibidwal na may access and functional needs papunta at mula sa isang Community Resource Center ng PG&E.
- Vivalon (mga County ng San Francisco, Marin, Sonoma, Solano, San Joaquin, Stanislaus, Amador, Calaveras, at Tuolumne): 415-847-1157
- Dignity Health Connected Living (County ng Shasta): 530-226-3074, ext. 4
- El Dorado Transit (County ng El Dorado): 530-642-5383, piliin ang opsyon 4
- Fresno Economic Opportunities Commission (County ng Fresno): 1-800-325-7433
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang mga serbisyong ito:
- Tumawag sa 211, isang kumpidensyal, 24 na oras kada araw, pitong araw kada linggo na serbisyo na maaaring mag-ugnay sa iyo sa mga lokal na mapagkukunan ng transportasyon.
- Ang Disability Disaster Access and Resource Program ay maaaring magbigay ng naa-access na transportasyon sa pamamagitan ng paglahok sa Independent Living Centers (ILCs).
- Ang Google Maps ay maaaring magpakita ng mga ruta ng pampublikong transportasyon patungo sa mga CRC.
Upang mapanatilihing ligtas ang aming mga kostumer at komunidad, lahat ng sentro ng mapagkukuhanan ay sumasalamin sa naaangkop sa COVID-19 na mga pagsasaalang-alang sa kalusugan at sa mga patnubay ng pederal, estado, at county.
- Hinihikayat ang mga pantakip ng mukha at pisikal na pagdistansya ngunit hindi sapilitan.
- Ibinibigay ang mga suplay sa mga bisita para sa “grab and go,” pero puwede silang manatili sa site at i-charge ang kanilang mga device.
- Kapag maraming tao, bibigyan ng prayoridad ang pag-charge ng medikal na device.
- Regular na dinidisimpekta ang mga ibabaw.
- Para sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad, hinihiling namin sa mga kostumer na huwag bumisita sa isang sentro kapag nagpapakita sila ng mga sintomas ng sakit.
Hindi avaialble sa mga center ang pag-charge ng electric na mga sasakyan. Maghanap ng EV charging station.
Kung kailangan ninyo ng kuryente kapag nakasara ang mga CRC, tingnan ang mapa upang makita kung aling mga lugar ang may kuryente.
TANDAAN: Ginagawa ang mga update para sa Community Resource Center sa pahinang ito at lalabas ang mga ito sa mapa ng pagkawala ng kuryente pagkalipas ng hanggang 15 minuto.
Backup na Kuryente at Kapalit na Pagkain
Ano ang mga dapat gawin bago at habang walang kuryente
Mag-imbak ng mga pangunahing suplay
- Mga flashlight para sa kabahayan
- Radyong de-baterya o crank radio
- Bateryang iba’t iba ang sukat
- Panghaliling mobile phone kung hindi gumagana ang telepono sa bahay
- Pera at isang tangkeng puno ng gasolina
Sundin ang mahahalagang payo sa kaligtasan
- Maghanda ng plano sa kaligtasan, kabilang ang mga alagang hayop
- Iwasang gumamit ng kandila kung walang kuryente
- Alamin kung paano manwal na buksan ang inyong garahe o anumang pintong de-kuryente
- Bunutin ang saksak o patayin ang mga kasangkapan at elektroniks para maiwasan ang pagkasira kapag may kuryente na
- Kumustahin ang inyong kapitbahay
Mag-ingat sa paggamit ng generator
- Sundin ang lahat ng instruksiyon
- Subukin muna bago gamitin
- Ilagay kung saan makapagbubuga nang maayos ang exhaust
- Huwag paganahin ang nabibitbit na generator sa ulan
- Huwag mag-imbak ng gasolina sa bahay