Kaligtasan sa Bagyo
Sa oras ng pangyayaring emergency
Mag-ingat sa mga bumagsak na kable ng kuryente
Kapag may baha
Kapag nawalan ng kuryente
Maghanda para sa kawalan ng kuryente
Tingnan ang inyong mga suplay
Ang kawalan ng kuryente ay maaaring masaklap na resulta ng bagyo. Manatiling ligtas habang walang kuryente sa pamamagitan ng:
- Pagkakaroon ng madaling makuhang de-bateryang lente at radyo, at ekstrang mga baterya.
- Kung gumagamit kayo ng teleponong landline na nangangailangan ng kuryente para makatawag, maghanda ng istandard na telepono o mobile phone bilang panghalili.
- Maghanda ng mga plastik na puno ng tubig sa inyong freezer. Magagamit mo ang mga ito bilang bloke ng yelo upang hindi mapanis ang mga pagkain.
- Hindi inirerekomenda ang mga kandila—sa halip ay gumamit ng mas ligtas at de-bateryang kandilang LED.
Pag-uulat ng kawalan ng kuryente
Bago tumawag sa PG&E tungkol sa kawalan ng kuryente, tingnan kung nawalan lamang ng kuryente sa inyong gusali, o kung ang buong kapitbahayan ay nawalan. Tingnan kung naapektuhan ang mga kapitbahay. Kung ang bahay ninyo lamang ang nawalan ng kuryente, tingnan ang mga circuit breaker at fuse box upang matiyak kung ang problema ay limitado lamang sa sistemang elektrikal sa inyong bahay.
Upang makapag-bigay ulat tungkol sa isang pagpkawala ng kuryente, tumawag lamang sa 1-800-743-5002. Maaaring maging sobrang abala ng aming mga linya sa sandali ng malalaking bagyo, kaya humihingi kami ng inyong pasensiya kapag tinatawagan ninyo kami.
Bisitahan ang mapa ng kawalan ng kuryente para sa ulat ng kalagayan ng inyong kawalan ng kuryente at kung mga anong oras maibabalik ang inyong kuryente.