PG&E Outage Center - NuclearSkip to main content

Kaligtasan sa Nukleyar

Kung may emergency na mangyari sa Diablo Canyon Power Plants na nasa Avila Beach, aabisuhan kayo sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga paraan tulad ng:
  • Mga sirena o loudspeaker na gamit ng mga ahensiya ng pulis at mga bumbero. Mayroong 131 sirena na nasa Protective Action Zones 1-12, mula sa Cayucos sa hilaga hanggang Nipomo Mesa sa timog.
  • Emergency Notification System na ipadadala sa pamamagitan ng mga lokal na estasyon ng radyo at telebisyon
  • Mga recording sa telepono ng Reverse 9-1-1 na awtomatikong ipadadala sa iyong telepono, at sa iyong mobile phone kung naipatala mo ang numero mo sa ahensiya
  • Mga paskil sa social media
  • Marine Channel 16, kung kayo ay nasa dagat
Makinig sa mga sirena
Kung makarinig kayo nang malakas, tuloy-tuloy na sirena sa loob ng 3-5 minuto, pumasok sa loob ng bahay at makinig sa lokal na estasyon ng radyo o TV para sa impormasyon at mga instruksiyon. Kung kaya ninyo, tingnan ang mga kapitbahay kung malay sila sa anumangbabalang pang-emergency at iba pang kaugnay na aksiyon.
Manghingi ng tulong o impormasyon kung kailangan

Tumawag lamang ng serbisyong pang-emergency kung kailangan ninyo ng agarang tulong na pansagip-buhay:

  • Kung kailangan ninyo ng agarang tulong medikal, bumbero o pulisya, tumawag sa 9-1-1.
  • Kung kailangan ninyo ng agarang impormasyon o tulong sa pagbabakwit, tumawag sa 805-543-2444. (Binubuksan ng County Office of Emergency Services ang linyang ito kung may emergency na nakaaapekto sa malaking bilang ng tao sa county.)
Tukuyin ang inyong daanan sa pagbabakwit

Ang U.S. Highway 101 at State Highway 1 ang mga pangunahing daanan sa pagbabakwit. Ang mga kalsada ng estado at lokal na daanan ay maaaring gamitin upang marating ang U.S. Highway 101 at State Highway 1. May mga alagad ng batas na nagpapadaloy ng trapiko sa mga daanang ito. Ipinakikita ng Emergency Planning Zone Map (tingnan sa ibaba) ang pangunahing mga daanan sa pagbabakwit. Magbibigay ang mga lokal na estasyon ng radyo at telebisyon ng mga impormasyong tungkol sa mga daanan sa pagbabakwit.

Tandaan: Huwag iwan ang inyong lugar liban kung sinabihan na kayo sa pamamagitan ng Emergency Notification System.

Mga tipo ng mga pangyayari batay sa kalubhaan

  • Naiibang pangyayari
    Isang kondisyong may kinalaman sa planta na hindi humihingi ng aksiyong pang-emergency sa publiko o sa mga awtoridad ng gobyerno. Isang di-planadong pangyayari ang naganap, o isang banta sa kaligtasan ang maaaring naganap. Walang panganib sa kalusugan at kaligtasang pampubliko.
  • Alerto
    Isang pangkaligtasang sistema sa planta ang napinsala o maaaring napinsala, o isang pangyayaring may kaugnayan sa kaligtasan ang naganap. May panganib para sa mga tauhan sa sityo o pinsala sa mga kasangkapan sa sityo.
  • Emergency sa Sityo
    Ang pagtagas na radyolohikal ay inaasahang mangyari o nangyari na, o ang isang pangyayaring pangkaligtasan ay naganap at sangkot ang malisyosong aksiyon laban sa tauhan sa sityo o sinadyang pinsala sa kasangkapan na maaaring makapagdulot ng pagkasira, o makapigil sa mabisang paggamit ng kasangkapang kailangan para sa proteksiyon ng publiko. Ang pagtagas ay hindi inaasahang hihigit sa pederal na limitasyon sa pagkakalantad lampas sa hangganan ng planta, isang lugar na nasa 100 yarda mula sa planta.
  • Pangkalahatang Emergency
    Isang malaking pagtagas ng radyoaktibidad ang nangyari o maaaring mangyari, o isang pangyayaring pangkaligtasan ang maaaring naganap na nagbunga ng aktuwal na kawalan ng pisikal na kontrol sa pasilidad. Maaaring kailanganin ang mga protektibong aksiyon sa ilang Protective Action Zones.

Gumagamit ang mga organisasyong pampublikong kaligtasan ng Reverse 911 sa oras ng emergency upang magpadala ng nakarekord na mensahe sa mga teleponong landline at rehistradong cell phone sa isang tiyak na heograpikal na lugar. Ang mga telepono ay awtomatikong kabilang sa sistema ng Reverse 911. Ang mga mobile phone ay kailangang iparehistro.

Iparehistro ang inyong mobile number >

Ang Emergency Planning Zone sa paligid ng Diablo Canyon Power Plant ay nahahati sa 12 Protective Action Zones (PAZs). Ang mga sonang ito ay ginagamit upang tumulong mag-organisa ng pagpaplano at tugon sa mga espesipikong sonang sangkot. Maaari kayong maghanda sa pamamagitan ng pag-aaral kung saang PAZ kayo nakatira at nagtatrabaho, at kung paano ka magbabakwit kung may emergency. Kung may mga anak kang nag-aaral, tiyaking alam mo kung saang PAZ kabilang ang kanilang paaralan.

Tingnan ang Emergency Planning Zone Map >