PG&E Outage Center - HydropowerSkip to main content

Pahina ng Kaligtasan sa Hydropower

Ang sistemang hyroelectric ng PG&E ang isa sa pinakamalaki sa bansa. Kayang magbigay ng sistema ng malinis at napapalitang enerhiya at marami sa mga reservoir, dam, ilog at batis ang maaaring mapaglanguyan, mapangisdaan at mapamangkaan. Bago ninyo bisitahin ang aming mga lugar-libangan, alamin muna ang tungkol sa hydropower at kaligtasan sa tubig.

Unawain ang mga panganib

Paano gumagana ang hydropower
Ang daloy ng tubig na rumaragasa mula sa mataas na elebasyon patungo sa ibaba ang lumilikha ng hydropower. Ang daloy na ito ay nagpapaikot ng isang turbina at lumilikha ng kuryente. Pinipigil ng mga dam ang tubig, na lumilikha ng reservoir. Dumadaloy ang tubig mula sa mga reservoir patungo sa powerhouses sa pamamagitan ng daluyang tubig, tulad ng mga ilog at batis. Kapag nakarating na sa isang powerhouse, lumilikha ang tubig ng kuryente na naipadadala sa power grid.
Mga babala ng panganib

Ang sistemang hydroelectric ay maaaring magtaglay ng malalaking daloy ng rumaragasang tubig anumang oras. Mahalagang maging maingat sa paligid ng mga pasilidad at matukoy ang mga babala ng isang emergency na pangyayari, tulad ng:

  • Lumakas na tunog ng rumaragasang tubig
  • Naragdagang bilis o lalim ng tubig
  • Kakaibang dami ng mga bagay sa tubig
  • Pagbabago sa tubig mula malinaw hanggang malabo
  • Kakaibang paglamig ng tubig

Sa oras ng pangyayaring emergency

  • Kung ikaw ay nasa tubig
    Sa oras na mamalayan mong may nangyaring hydropower emergency, bitiwan ang anumang bagay na maaaring makapagpabigat sa inyo, humiga nang nakaturo sa itaas ang mga paa, at tumungo pababa sa bukana ng agos, gumagalaw nang patagilid sa agos hanggang marating ninyo ang pampang.
  • Kung ikaw ay nasa pampang
    Kung malapit kayo sa tubig pero nasa pampang, mabilis na tumungo sa mas mataas na lugar, lakad man o nakasakay sa sasakyan. Kapag nakalayo na kayo, makinig ng mga alerto sa radyo para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pangyayari.