PG&E Outage Center - GasSkip to main content

Kaligtasan sa Gas

Kapag naamoy ninyo ang tanging amoy ng “bulok na itlog” ng natural na gas sa loob o labas ng inyong bahay o negosyo, umalis agad at tumawag sa 9-1-1. Pagkaraan, iulat ang tagas sa PG&E sa 1-800-743-5000.

Mga palatandaan ng pagtagas ng natural na gas

Amoy
Nagdagdag kami ng tanging amoy na parang asupre at bulok na itlog upang maamoy ninyo kahit ang mumunting tagas ng natural na gas. Gayunman, HUWAG magtiwala lamang sa inyong pang-amoy upang matukoy ang tagas ng natural na gas.
Tunog
Pansinin ang sumisitsit, sumisipol o sumisingasing na tunog na nanggagaling sa ilalim ng lupa o sa kagamitang de-gas.
Paningin
Maging malay sa pagkalat ng dumi sa hangin, patuloy na pagbula sa lawa-lawaan o sapa, at patay o namamatay na tumutubong halaman sa isang basa namang lugar.

Ano ang gagawin kapag naghihinala kayo na may tagas ng gas

  • 1
    Alertuhin ang lahat ng kalapit na tao at umalis sa lugar patungo sa isang lokasyong salungat sa ihip ng hangin.
  • 2
    Huwag gumamit ng kahit anong maaaring mitsa ng pagsindi, kabilang na ang mga cell phone, flashlight, pindutan ng ilaw, posporo o sasakyan, habang hindi pa kayo ligtas na nakakalayo.
  • 3
    Tumawag sa 9-1-1 para sa tulong emergency at saka tumawag sa PG&E sa 1-800-743-5000.

Huwag patayin ang gas sa inyong bahay liban kung naamoy ninyo ang gas, narinig ito na sumisingaw, nakakita ng sirang linya ng gas o nagsusupetsa ng tagas.

TANDAAN: Kapag pinatay ninyo ang gas, maaaring matagalan bago muling ibalik ng PG&E ang inyong serbisyo. Kapag patay na ang gas sa metro, HUWAG kayo mismo ang muling magbukas nito. Laging hintayin ang kinatawan ng PG&E o iba pang kuwalipikadong propesyonal upang gawin ang ligtas na inspeksiyon bago ibalik ang serbisyo ng gas at buksan muli ang pilot lights ng kasangkapan.

Paano patayin ang inyong gas

  1. Tukuyin ang pangunahing pihitang pampatay ng gas. Ang inyong pangunahing pihitang pampatay ng gas ay normal na nakalagay malapit sa metro ng gas. Ang pinakakaraniwang lugar ay sa gilid o harap ng isang gusali, sa kabinet sa loob ng isang gusali o sa isang kabinet ng metro sa labas ng gusali.
  2. Maghanda ng liyabe. Maghanda ng 12- hanggang 15-pulgadang naia-adjust na liyabeng hugis-tubo o karit (adjustable pipe or crescent-type wrench) o iba pang angkop na kasangkapan malapit sa inyong pangunahing pihitang pampatay ng gas upang hindi na kailangang maghanap pa sa oras ng emergency.
  3. Pihitin ang pihitan nang bahagya (quarter turn). Sarado ang pihitan kapag ang tang (bahagi ng pihitan na pinaglalagyan ng liyabe) ay pahalang (perpendikular) sa tubo.

Kung iba ang ayos ng inyong serbisyo sa gas kumpara sa inilarawan at gusto ninyong malaman kung paano patayin ang gas ninyo, mangyaring kumontak sa PG&E sa 1-800-743-5000.

TANDAAN: Kapag naisara na ninyo ang gas sa metro, huwag subuking buksan ito sa sarili ninyo lamang. Kapag sarado ang pihitan ng serbisyo sa gas, dapat na magsagawa muna ang PG&E o iba pang kuwalipikadong propesyonal ng inspeksiyon ng kaligtasan bago maibalik ang serbisyo sa gas at mapagana muli ang mga appliance pilot.

  • Ang metro ng gas at ang pihitang pampatay ng gas ay kadalasang makikita sa gilid o harap ng gusali o sa isang nabububungang daanan.

  • Metro ng kabinet: Minsan ang metro ng gas ay nasa loob ng kabinet sa loob ng gusali. Sa ganitong pagkakataon, ang pihitang pampatay ng gas ay maaaring nasa isang seksiyon ng tubo ng gas kalapit ng gusali sa labas o malapit sa metro ng gas.

  • Maramihang metro: Kung may maramihang metro ng gas para sa gusali, may mga indibidwal na pihitang pampatay ng gas para sa bawat yunit malapit sa mga metro ng gas, kabilang ang pangunahing (master) pihitan para sa buong gusali kung saan nakalabas sa sahig ang tubo ng gas. Tanungin ang opisyal ng mga pasilidad o ang tagapangasiwa ng gusali upang makita ang pihitan para sa inyong yunit.

  • Mga Pihitang Pampatay ng Gas ng Kasangkapan:

    • Halos lahat ng kasapangkapang de-gas ay may pihitang pampatay ng gas na maaari ninyong patayin ang gas ng kasangkapang iyon lamang.
    • Para patayin ang gas, pihitin ang pihitan nang bahagya (quarter turn).
    • Kung may tagas ng gas, maaaring masolusyonan ito sa pamamagitan ng pagpatay sa gas gamit ang pihitang pampatay ng gas ng kasangkapan.
  • Maraming luma nang kasangkapang de-gas at karamihan ng mga pampainit ng tubig (water heaters) ay may maliit, tuloy-tuloy na liyab na tinatawag na pilot light na nagpapaliyab sa pangunahing burner. Ang ilang bagong modelo ay may mga elektronikong pansindi.
  • Tingnan ang mga instruksiyon sa loob ng compartment door ng pangunahing burner at sundin ang mga instruksiyon ng gumawa para muling sindihan ang alinman sa mga pilot light.
  • Kung hindi ninyo masindihang muli ang pilot light, tawagan ang kinatawan ng PG&E o sinumang kuwalipikadong propesyonal upang tumulong.
  • Kung namatay na ang pilot light, gamitin ang pihitang pampatay ng gas ng kasangkapan upang patayin ang gas.
  • Laging hayaang mawala muna ang gas sa loob ng limang minuto bago muling subukang sindihan ang pilot light ng kasangkapan.
  • Kapag nagsisindi ng mga burner o pugon (oven) na ginagamitan ng posporo, laging sindihan ang posporo bago buksan ang gas. Kapag namatay ang apoy, patayin ang burner at hayaang mawala ang gas bago muling sindihan.