Kaligtasan sa kuryente
Ang unang kailangan ninyong malaman
Pagpatay sa kuryente kung may emergency
Ano ang dapat gawin kapag nawalan kayo ng kuryente

Lumayo sa mga bumagsak na kable ng kuryente
Pagpatay sa inyong kuryente
- Pangunahing patayan ng kuryente
- Kung may emergency, gamitin ang pangunahing patayan ng kuryente sa pangunahing panel ng kuryente upang patayin ang daloy ng kuryente sa inyong buong bahay.
- Mga sumabog na fuse
- Kapag sumabog ang fuse, tanggalin o patayin ang kagamitang nagdulot ng problema.
- Laging patayin ang pangunahing patayan ng kuryente bago magpalit ng fuse.
- Tukuyin ang fuse box o circuit breaker sa inyong bahay.
- Ang mga sumabog na fuse ay kailangang palitan, hindi ayusin. Kung wala kayong tamang sukat ng fuse, huwag palitan ang sumabog na fuse ng fuse na mas mataas ang amperage.
- Muling pag-reset ng mga circuit breaker
- Pagkaraang patayin o alisin sa saksak ang kasangkapan sa circuit, pindutin ang patayan nang mariin para mamatay, saka uli buhayin. Kapag naayos na ang overload, babalik na ang kuryente.
- Kapag paulit-ulit na pumapalya ang inyong mga circuit breaker, maaaring may problema ang kasangkapan sa circuit na iyon. Kapag tinanggal na ang saksak ng kasangkapan pero pumalya pa rin ang circuit breaker, tumawag ng elektrisyan.
- Kapag may nakitang bumagsak na kable ng kuryente, ipalagay na ito ay buháy at kayo ay lumayo. Tumawag agad sa 9-1-1 upang iulat ang lokasyon, at saka tawagan ang PG&E sa 1-800-743-5002.
- Huwag hawakan ang sinuman o anumang nakadikit sa bumagsak na kable ng kuryente.
- Ilayo ang mga bata at alagang hayop sa mga bumagsak na kable ng kuryente.
- Huwag sagasaan ang bumagsak na kable ng kuryente.
- Lumayo sa mga binahang lugar at may mga nabuwal na puno habang kasagsagan at pagkatapos ng bagyo. Maaaring may mga buháy na kable ng kuryente sa mga lugar na ito.
Kapag dumikit ang kable ng kuryente sa inyong kotse
Kapag nasa loob kayo ng kotse nang bumagsak dito ang kable ng kuryente, MANATILI SA LOOB. Ang pinakaligtas na lugar ay ang inyong kotse. Maaaring may kuryente sa paligid ng iyong kotse.
Bumusina, buksan ang bintana at humiyaw sa paghingi ng tulong.
Bigyan ng babala ang iba na lumayo. Sinumang mapadikit sa kasangkapan o sa paligid ng sasakyan ay maaaring mapinsala.
Gamitin ang inyong cell phone sa pagtawag sa 9-1-1.
Sasabihan kayo ng bumbero, pulisya at mga manggagawa ng PG&E kung kailan ligtas nang lumabas ng sasakyan.
Kung may sunog at kailangan ninyong lumabas ng sasakyan na nabagsakan ng kable ng kuryente:
- Alisin ang nakalaylay na suot ninyo.
- Panatilihin ang inyong mga kamay sa inyong tagiliran at tumalon mula sa sasakyan nang hindi sumasayad ang iyong katawan dito pagsayad ng mga paa ninyo sa lupa.
- Panatilihing magkadikit ang mga paa at lumayo sa sasakyan nang pasadsad ang inyong mga paa.
- Gumamit ng cell phone o hard-wired phone. Hindi gumagana ang mga teleponong walang kurdon kung walang kuryente.
- Gumamit ng mga flashlight na de-baterya, hindi kandila, na delikado sa sunog.
- Tanggalin ang saksak o patayin lahat ng de-kuryente at nag-iinit na mga kasangkapan (halimbawa, mga air conditioner, washers at dryers, mga pugon, kalan, plantsa) upang maiwasan ang pag-overload ng mga circuit. Ang mga na-overload na circuit ay delikado sa sunog kapag bumalik na ang kuryente.
- Tanggalin ang saksak ng mga telebisyon at kompiyuter na hindi ginagamit nang mawalan ng kuryente.
- Iwang nakabukas ang isang ilaw upang alertuhin kayo kapag bumalik na ang kuryente.
- Panatilihing nakasara ang mga pinto ng refrigerator at freezer, at lagyan ng ekstrang yelo sa loob upang hindi mapanis ang pagkain. Ang freezer na puno ay mananatiling malamig nang mas matagal.
- Ipaalam sa inyong alarm company kung mayroon kayong alarm system. Ang kasangkapang ito ay maaaring maapektuhan ng mga pagkawala ng kuryente.
- Buhayin muli isa-isa ang inyong mga kasangkapan kapag bumalik na sa normal ang kondisyon.
- I-reset ang mga orasan, thermostats at iba pang nakaprogramang kasangkapan kapag may kuryente na.
- Bago buksan ang inyong generator, masusing basahin at sundin ang mga instruksiyon ng gumawa upang maiwasan ang malubhang pinsala sa inyong sarili at sa ibang tao.
- Tiyakin na ang kabuuang kargang kuryente ng inyong generator ay hindi hihigit sa rating ng gumawa.
- Tiyakin na ang exhaust ng inyong generator ay magbubuga nang ligtas.
- Gamitin ang mga bombilyang may pinakamababang wattage upang manatiling hindi delikado ang ilaw. Kapag mas malaki ang karga sa inyong generator, mas malaking gatong ang magagamit nito.
- Itabi ang mga kurdon upang hindi mapatid dito, lalo na sa madidilim na labasan o pasilyo. Huwag ilagay ang mga kurdon sa ilalim ng mga basahan o karpet na maaaring makapagpainit dito o hindi mapansin kung may sira ang mga kurdon.
- Ang mga kurdong ekstensiyon ay dapat na tama ang sukat upang makaya ang kargang kuryente. Ang mga kurdong sobra ang karga ay maaaring mag-init at magdulot ng suno o makasira ng kasangkapan.
TANDAAN: Responsable kayo sa anumang pinsala o sira ng ari-arian mula sa di-maayos na nakakabit o pinatatakbong generator.
Inyong permanenteng nakaantabay na generator
- Kung ang generator ay permanenteng nakakabit sa sistemang elektrikal ng kostumer, pinagagana nito ang mga kable sa gusali. Ang ganitong tipo ng instalasyon ay nangangailangan ng aparato na pumipigil sa generator sa pagkabit sa mga kable ng kuryente ng PG&E.
TANDAAN: Tanging kuwalipikadong propesyonal, tulad ng lisensiyadong kontraktor ng kuryente, ang dapat magkabit ng permanenteng nakaantabay na generator.
Mga nabibitbit na generator
- Ang mga generator na nabibitbit ay nakadisenyo na kumonekta lamang sa mga piling kasangkapan o ilaw. Ang mga nabibitbit na generator ay hindi kailanman dapat makonekta nang direkta sa mga kable ng isang gusali.
TANDAAN: Ipinagbabawal ng batas ang mga kostumer na may permanente o nabibitbit na generator na ikabit ito sa isa pang pinagkukunan ng kuryente, tulad ng mga kable ng kuryente ng PG&E. Kung kayo ay mayroon at nagpapatakbo ng generator, responsabilidad ninyong tiyakin na ang kuryente mula sa inyong yunit ay hindi magba-“back feed” o dadaloy sa mga kable ng kuryente ng PG&E. Kapag hindi ninyo ginamit nang maayos ang inyong generator, maaaring mapinsala ninyo ang inyong ari-arian at ilagay sa panganib ang inyong buhay at ang mga buhay ng mga manggagawa ng PG&E na maaaring nagtatrabaho sa mga kable ng kuryente sa inyong lugar.