Kaligtasan sa lindol
Marami kayong maaaring gawin upang mapanatiling ligtas ang inyong tahanan at pamilya kung may malakas na lindol. Mahalaga ang paghahanda sa gayong pangyayari, at ang pag-alam sa dapat gawin habang at pagkatapos ng kalamidad ay napakahalaga sa pagpapanatiling ligtas ng inyong pamilya.
Ano ang mga dapat gawin habang at pagkatapos ng lindol
Kung kayo ay nasa loob
Manatiling nasa loob kung naroon kayo nang magsimula ang lindol at sumilong sa isang matibay na desk o mesa. Lumayo sa dingding at bintana, apuyan (fireplace), matataas na muwebles, mga nakasabit na kuwadro at salamin. Kung nagluluto, patayin ang kalan bago kayo magkanlong.
Kung kayo ay nasa labas
Lumayo sa mga gusali at kable ng kuryente at mag-ingat sa mga bumabagsak na bagay. Kung kayo ay nagmamaneho nang magsimula ang lindol, gumilid sa kalsada at huminto kapag ligtas nang huminto. Huwag huminto sa ibabaw o ilalim ng mga overpass, tulay o tunel. Huwag huminto sa ilalim ng o malapit sa mga kable ng kuryente, mga poste ng ilaw, mga puno o mga pananda. Manatili sa inyong sasakyan hanggang matapos ang lindol.

Kapag natapos na ang pagyanig
Una, tiyaking ligtas ang lahat ng nasa paligid mo. Pagkatapos, siyasatin ang inyong gusali para sa pinsala.
- Kung sa tingin mo ay tumagas ang gas, umalis sa gusali at huwag gumamit ng anumang kuryente (kabilang na ang pagsindi o pagpatay sa ilaw). Ang siklab ay maaaring makapagpaliyab sa gas. Ang mga elektrikal na aytem ay kinabibilangan ng mga pindutan, mga kasangkapan at telepono. Gayundin, huwag gamitin ang inyong cell phone.
- Patayin ang pihitan ng patayan ng gas na karaniwaang malapit sa metro ng gas, pero gawin lamang ito kung ligtas at kung mayroong tagas ng gas.
- Kung ang tumagas na gas ay nagsimula nang lumiyab, huwag tangkaing patayin ang apoy. Maghanap ng teleponong malayo sa gusali, tumawag agad sa 9-1-1, saka tawagan ang PG&E sa 1-800-743-5000.
- Tingnan kung may bumagsak o napinsalang kable ng kuryente, lumayo sa mga ito, at huwag hawakan. Ang mga bumagsak na kable ay maaaring may kuryente pa rin at makakakuryente, makapipinsala, o makamamatay kapag hinawakan.
- Tingnan kung may napinsalang kable ng kuryente sa kabahayan. Patayin ang kuryente sa pangunahing pindutan kung sa suspetsa ninyo ay may napinsala.
- Kung nawalan kayo ng kuryente, patayin lahat ng mga kasangkapang de-kuryente at tanggalin ang saksak ng malalaking kasangkapang de-kuryente. Mapipigilan nito ang posibleng pagkasira ng mga kasangkapan kapag bumalik na ang kuryente.
Ano Ang Magagawa Ninyo
- Alamin kung paano patayin ang kuryenteTukuyin kung nasaan ang pihitan ng patayan ng gas at alamin kung paano patayin ang gas kung kailangan. Kabilang sa patayan ng gas ang inyong pangunahing linya at mga indibidwal na kasangkapan. Pero, iwasang patayin ang inyong gas sa bahay nang walang malinaw na tanda na ito ay tumatagas. Depende sa kung ilang kostumer ang walang serbisyo ng gas pagkaraan ng isang pangyayaring emergency, maaaring umabot sa mahabang panahon bago maibalik ng PG&E ang inyong serbisyong gas. Hindi ikaw mismo ang dapat bumuhay ng inyong gas.
- Maghanda ng kit para sa kahandaan
Maghanda ng pang-emergency na kit para sa kahandaan upang makatagal ang inyong pamilya nang walang kuryente at tubig sa loob ng kahit 3 araw. Tandaang magbaon ng mga kadena o tali, pagkain, at tubig para sa inyong mga alagang hayop. Magdala ng suplay na pang-emergency sa mga selyadong sisidlan tulad ng plastik na tub na isinara ng teyp.
- Ensayuhin ang inyong planoTukuyin ang lokasyon na puwedeng magkita-kita ang inyong pamilya sakaling kailanganing iwanan ang inyong bahay. Pumili ng pangalawang tagpuang lugar kung sakaling hindi magagamit ang unang lugar. Mahirap mag-isip nang maliwanag kapag may emergency, kaya magpraktis ng inyong plano kasama ang mga kapamilya, kabilang ang mga alagang hayop, upang maging pamilyar sila dito. Repasuhin ang inyong plano kasama ang lahat sa inyong sambahayan kada tatlo o anim na buwan.