Pagpatay sa Kuryente para sa Pampublikong Kaligtasan
Tumanggap ng impormasyon sa pangyayaring PSPS
Nakadepende ba kayo sa kuryente para sa mga paggamot?

Suporta at mga serbisyo habang nasa isang PSPS
Ano ang mga dapat gawin bago at habang walang kuryente
- Mag-imbak ng mga pangunahing suplay
- Mga flashlight para sa kabahayan
- Radyong de-baterya o crank radio
- Bateryang iba’t iba ang sukat
- Panghaliling mobile phone kung hindi gumagana ang telepono sa bahay
- Pera at isang tangkeng puno ng gasolina
- Sundin ang mahahalagang payo sa kaligtasan
- Maghanda ng plano sa kaligtasan, kabilang ang mga alagang hayop
- Iwasang gumamit ng kandila kung walang kuryente
- Alamin kung paano manwal na buksan ang inyong garahe o anumang pintong de-kuryente
- Bunutin ang saksak o patayin ang mga kasangkapan at elektroniks para maiwasan ang pagkasira kapag may kuryente na
- Kumustahin ang inyong kapitbahay
- Mag-ingat sa paggamit ng generator
- Sundin ang lahat ng instruksiyon
- Subukin muna bago gamitin
- Ilagay kung saan makapagbubuga nang maayos ang exhaust
- Huwag paganahin ang nabibitbit na generator sa ulan
- Huwag mag-imbak ng gasolina sa bahay
Walang iisang salik o factor na nagbubunsod ng Pagpatay sa Kuryente para sa Kaligtasang Pampubliko, dahil natatangi ang bawat sitwasyon. Maingat na nirerepaso ng PG&E ang kombinasyon ng maraming pamantayan kapag inaalam kung dapat bang patayin ang kuryente para sa kaligtasan. Kadalasang kasama ngunit hindi limitado sa mga salik na ito:
- Isang Red Flag Warning (mataas ang panganib ng sunog) na ipinahayag ng National Weather Service
- Mababang level ng halumigmig (humidity), karaniwang 20 porsiyento at pababa
- Inaaasahang lakas ng hangin na karaniwang higit sa 25 mph at bugso ng hangin na lagpas sa mga 45 mph, depende sa lokasyon at kondisyong nakaugnay-sa-tiyak na lugar tulad ng temperatura, kalupaan at panahong lokal
- Kondisyon ng tuyong gatong sa lupa at buhay na tumutubong halaman (taglay na moisture)
- Aktuwal at real time na obserbasyon mula sa Wildfire Safety Operations Center (Sentro ng Operasyon para sa Kaligtasan sa Wildfire o Sunog na Mabilis Kumalat) at mga kawani ng PG&E na nasa field
Mahalaga na habang aming minomonitor at isinasaalang-alang ang inilabas na mga Red Flag Warning ng National Weather Service, hindi awtomatikong nagkakaroon ng Pagpatay sa Kuryente para sa Kaligtasang Pampubliko sa paglalabas ng Red Flag Warning.
Bakit papatayin ang kuryente sa komunidad na hindi naman dumadanas ng malakas na hangin?
Ang prediksiyon ng malakas na hangin ay pagkapribado sa mga palatandaang tinitingnan namin sa pagpapasiya na gawin ang Pagpatay sa Kuryente para sa Kaligtasang Pampubliko, kasama na ang ibang salik tulad ng prediksiyon ng mga napakababang level ng humidity, kasabay ng matinding pagkatuyo ng mga tumutubong halaman at mga nasa-larangan na obserbasyon.
Kahit hindi kayo naninirahan o nagtatrabaho sa lugar na mataas ang panganib sa sunog, o lugar na dumadanas ng malakas na hangin, posibleng mapatayan kayo ng kuryente kung umaasa ang komunidad ninyo sa linya ng kuryente na dumadaan sa lugar na dumadanas ng malakas na hangin at kalagayan ng pagkatuyo, kasama ang matinding panganib sa sunog.
Inaasahan nating mangyari ang Pagpatay sa Kuryente para sa Kaligtasang Pampubliko nang ilang beses kada taon sa lugar na sineserbisyuhan ng PG&E ngunit imposibleng masabi nang may katiyakan kung saan at kung gaano kadalas na mangyayari ang matitinding lagay ng panahon sa harap ng nagbabagong kondisyon ng kapaligiran.
Samantalang mas malamang na maapektuhan ang mga kostumer sa mga lugar na mataas ang panganib sa sunog, posibleng mapatayan ng kanilang kuryente ang sinumang kostumer kung umaasa ang kanilang komunidad sa linyang dumaraan sa lugar na mataas ang panganib sa sunog. Gusto namin na handa ang lahat ng aming kostumer sa posibilidad na ito, saan man sila naninirahan o nagtatrabaho.